Pubdate: Sun, 01 Jan 2017
Source: Philippine Star (Philippines)
Copyright: PhilSTAR Daily Inc. 2017
Contact:  http://www.philstar.com/
Details: http://www.mapinc.org/media/622
Bookmark: http://www.mapinc.org/meth.htm (Methamphetamine)

DRUG ASYLUM ITATAYO - DIGONG

MANILA, Philippines - Maaaring magkaroon din sa Pilipinas ng mga asylum
para sa mga adik na tuluyan ng nasira ang ulo dahil sa paggamit ng ilegal
na droga partikular ng shabu.

Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng mga adik na hindi
na kayang i-rehabilitate dahil lumiit na ang utak sa matagal na paggamit
ng shabu.

"If the brain is shrunk and it was your forensics who told us that that is
the case. They have conducted the --- and almost all of them have shrunk
brains," ani Duterte.

Ayon pa sa Pangulo, hindi pinapatay ang mga nasabing drug addicts na hindi
na nagtatago dahil nasira na ang utak.

"So you do not kill these crazy people because they do not even bother to
hide, means to say they are not crazy," anang Pangulo.

Ang mga nasabing adik umano ay inilalagay sa kustodiya sa mga rehab
centers pero kung magiging banta na sila sa lipunan dapat na silang ilagay
sa mga asylum katulad sa Amerika na maaari na ring gawin dito sa bansa.

Sinabi rin ng Pangulo na hindi niya alam kung ilan sa tinatayang 4 milyong
adik sa bansa ang lumiit na ang utak at hindi kayang i-rehabilitate.
- ---
MAP posted-by: